Alex Eala, umakyat sa No. 252 sa WTA rankings

Umakyat si Alex Eala sa bagong career high sa women’s professional circuit, matapos ang quarterfinals finish sa elite W80 Rancho Santa Fe sa California.

Mula sa pagiging No. 281 noong nakaraang linggo, 29 ang itinaas ni Eala dahilan para makapwesto sa No. 252 sa latest Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Una nito, nagpasikat ang 17-anyos sa Santa Fe, kung saan featured ang mga higher-ranked players na may apat na panalo sa qualifying draw at sa main tilt.

Natalo ito sa qualifiers laban kay Latvia’s Deniza Marcinkevica at kay United States’ Alana Smith bago manalo kay American Dalayna Hewitt at Canadian Katherine Sebov para makuha ang Last 8.

Pero hindi nakapasok ang Filipina pride sa Final Four seat sa 6-2, 7-5 loss kay Mexican Marcela Zacarias.

Si Eala, na may previous career-best sa No. 280 noong Agusto ay nakaabot din sa second round ng W60 Templeton sa California noong nakaraang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *