Alexandra Faith, nakoronahan bilang Miss Aura International

Nakoronahan si Alexandra Faith Garcia bilang Miss Aura International, na unang beses nangyari sa buong kasaysayan ng pageantry sa Pilipinas.

Ginanap ang coronation ceremony ng pageant sa Rixos Sungate Resort sa Antalya, Turkey, kung saan ay nanguna ang tourism graduate mula sa Olongapo City mula sa 30 iba pang kandidata sa kompetisyon.

Sumunod naman kay Alexandra Faith sina Alexandra Strue ng Romania na naitanghal bilang 1st runner-up, Katerina Pidkopai ng Ukraine na 2nd runner-up, Maria del Mar Meza ng Colombia na 3rd runner-up, at Cassandra de Sousa ng France na 4th runner up.

Sa national costume, ay ibinida ni Alexandra Faith ang beaded terno nito na may fan headdresses.

Mababatid na ito na ang ika-16 na edisyon ng taunang pageant, na nagsimula noong 2006 sa Turkey.

Dating kilala ang Miss Aura International bilang Miss Kremer International pageant

———————–

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *