Alicia Silverstone  nag-pose ng nude para sa bagong PETA campaign laban sa paggamit ng leather

Nag-pose ng nude para sa bagong PETA campaign ang actress star na si Alicia Silverstone.

Bida ang aktres sa kampanyan laban sa paggamit ng leather na may slogan, “Wear Vegan. Buy cactus, mushroom or apple sa halip na leather.

Ang “Clueless” actress ay walang suot kundi cowboy boots habang nag-pose sa isang disyerto para sa ad.

Naglabas ang PETA ng behind-the-scenes video na nagtatampok kay Silverstone na kinunan ng larawan para sa kampanya.

Si Silverstone, na isang vegan, ay nag pose din ng hubo’t hubad para sa PETA sa kanilang kampanya noong 2020 laban sa pagkain ng karne.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *