Alkalde ng Basud Camarines Norte hinimok ang mga constituent na pwede nang bakunahan ng booster shot na magtungo sa MHO

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Basud, Camarines Norte Mayor Adrian Davoco ang mga constituent nito na pwede nang bakunahan ng booster shot na makipag ugnayan sa Municipal Health Office para mabakunahan.

Ito ay bilang pag- anticipate sa posibilidad na mabago ang kahulugan ng fully vaccinated at isama na ang booster shot bukod sa primary doses.

Sa ngayon kasi ay itinuturing nang fully vaccinated  ang isang tao kapag nakatanggap na nang second dose.

Pero ayon kay Davoco, posibleng mabago na ito sa mga susunod na araw at isama na ang unang booster shot para maikunsidera na ang isang tao ay fully vaccinated na.

“May mga balita po tayo na babaguhin po nila yung meaning ng fully vaccinated, so sana po yung ating mga kababayan para sa mga susunod pong panahon ang sabi nila ang meaning na po ng fully vaccinated ay dapat may isang booster shot, so nakapa importante po kung wala pa po kayong booster shot punta na po tayo sa ating MHO para po magpaturok po ng booster shot po.”

Sa ngayon ay nasa mahigit 94 percent na ang COVID- 19 vaccination coverage sa Basud.

Samantala, pagkalipas  naman ng ilang buwan ay muling nakapagtala ng bagong kaso ng COVID- 19  sa naturang bayan.

Isa itong health worker na nagtatrabaho sa isang ospital sa Daet.

Nananatili pa rin naman daw ang Temporary Treatment and Monitoring Facility ng LGU sa Barangay Taisan.

Pero hindi na raw ito ngayon nagagamit dahil pinapayagan na ang home quarantine.

Nanawagan naman ang Alkalde sa mga taga Basud na patuloy na sundin ang health protocols kontra COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *