CAMARINES NORTE – Ideneklara ni Basud, Camarines Norte Mayor Adrian Davoco ang buong buwan ng Setyembre bilang National Agriculture and Fisheries Census Month.
Ito ay sa bisa ng Executive Order No 35- 2023 kung saan inatasan nito ang lahat ng municipal officials, empleado at Barangay gayundin ang mga Non- Government Organizations at Peopleβs Organization na ibigay ang suporta sa ikatatagumpay ng 2022 Census of agriculture and fisheries (CAF).
Mababatid na nagsimula noong nakaraang linggo ang CAF na tatagal hanggang Oktubre.
Ang magiging resulta ng CAF ay gagamiting basehan ng gobyerno para sa pagbalangkas ng mga programa na may kinalaman sa dalawang mahalagang sektor, ang agrikultura at pangingisda.
Ang reference period ng census ay mula January 2022 hanggang December 2022. Una nang umapela ng suportaΒ sa publiko si Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao lalo na sa magiging respondents na makipag- cooperate sa kanilang mga enumerators.
