Alkalde ng Camalig, humingi na ng saklolo sa national government para sa mabilisang paghahanap sa nawawalang mga pasahero ng Cessna 340 plane

Aminado ang alkalde ng Camalig, Albay na pahirapan ang paghahanap sa apat na mga nawawalang pasahero sa natagpuan nang Cessna 340 plane.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Caloy Baldo, sinabi nito, kinakailangan na niyang humingi ng tulong sa pamahalaang pambansa upang mabigyan ng mga gadget na maaaring makatulong sa mabilisang paghahanap sa mga nawawalang pasahero.

Kahapon ay tumulak pa rin ang mga rescue team kasama ang Philippine National Police, 9th ID Philippine Army, mountaineers, at ilang mga barangay officials ng Brgy. Quirangay ng nabanggit na bayan patungo sa paanan ng bulkan.

Desido pa rin ang mga rescuers sa gagawing paghahanap kahit na delikado dahil ang lugar ay na nasa loob ng 6 kilometer permanent danger zone at kasalukuyang nasa alert level 2 ang status ng bulkan na  sinabayan pa ng sama ng panahon.

Maging ang tulong ng mga mountaineers ay hiningi na rin dahil kabisado ng mga ito ang pag-akyat sa bulkan, subalit nakadepende pa rin sa lagay ng panahon ang gagawing operasyon.

Sinabi pa ng alkalde na hindi sila titigil sa paghahanap na makuha at tuluyang matagpuan ang mga sakay ng bumagsak na eroplano matapos na magtake off mula sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *