Alkalde ng Legazpi City, Albay, inilatag ang kanyang 1st 100 days accomplishment sa publiko

LEGAZPI CITY – Isinapubliko nan g alkalde ng lunsod ng Legazpi, Albay na si Geraldine Rosal ang kanyang mga nagawa bilang alkalde sa loob ng isandaang araw.

Kabilang sa mga nagawa nito ay ang pagpapabuti o pagsasaayos ng botika ng bayan, paglunsad ng E-Konsulta, pagsasagawa ng 23 mobile blood donation activities na kung saan nakakolekta ito ng mahigit 600 bags na dugo, at marami pang iba.

Pagdating sa edukasyon, nakapamahagi nito ng 25 TV units sa iba’t ibang elementary schools sa lunsod at namahagi rin ng 200 tablets sa secondary teachers.

Naisagawa rin ang infrastructure program, inauguration ng solar street lights sa Brgy. Homapon at Taysan at inauguration ng Kalayaan Park.

Kasama rin sa mga nagawa ng opisyal ay ang Social Welfare Services tulad ng mahigit 2K na senior citizens social pension beneficiaries at educational assistance pay-out. Pakiusap ng nasabing opisyal sa lungsod na makipagtulungan at sumunod sa ipapatupad ng City LGU upang mas mapaunlad at magkaroon ng maraming investments sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *