Alkalde ng San Andres, Catanduanes kinumpirmang naturukan ng 1st dose ng Sinovac vaccine ang midwife na nag positibo sa COVID-19 sakanilang bayan

BICOL—Kinumpirma mismo ni San Andres, Catanduanes – Mayor Peter Cua, na nabakunahan na ng kanyang first dose ng Sinovac COVID-19 vaccine ang isang midwife na napaulat na nag positibo sa nasabing sakit nitong mga nakaraang araw sakanilang bayan.

Sa isang panayam, inihayag ng alkalde na naghihintay na lamang sana na maturukan ng ikalawang dose ng bakuna ang midwife na si Patient #7559, nang tamaan ito ng COVID-19 na kalaunan ay nahawaan naman ang kanyang asawang si Patient #7939.

Samantala, inihayag rin ni Cua na ang nursing attendant naman na si Patient #8940 na isa ring frontliner na nag positibo sa COVID-19 ay tumangging mabakunahan ng magsimula ang vaccination rollout sakanilang bayan.

Dagdag pa ng alkalde, hindi rin nila masisi ang nursing attendant sa pagtanggi nitong tanggapin ang bakuna kontra sa naturang virus dahil karapatan naman ng isang indibidwal mapa frontliner man o hindi na tanggapin o tanggihan ang anumang brand ng COVID-19 vaccine.

Samantala, wala namang pahayag ang alkalde kung magkakaroon ng conflict sa pagtuturok ng ikalawang dose ng bakuna sa midwife na nag positibo sa sakit.

Aniya wala siya sa lugar para sagutin ito at mas maiging ang doktor na lang mismo mula sakanilang RHU ang tanungin ukol dito.

Ganunpaman, pag-iingat at disiplina pa rin ang ipinanawagan ni Cua sa publiko at sakanyang mga nasasakupan upang maiwasan ang lalo pang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng makakamatay na virus. ##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *