Alkalde ng Virac, Catanduanes kinontra ang rekomendasyon ng IMT na i-lockdown ang isang bangko sa nasabing bayan na may mga empleyadong nag positibo sa COVID-19

BICOL—Hindi pinaburan ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento ang rekomendasyon ng Catandunaes Incident Management Team na i-lockdown sa loob ng 14 na araw ang isang bangko sa naturang bayan matapos na mag positibo sa COVID-19 ang ilan sa mga empleyado nito.

Ayon sa alkalde, hindi dapat na i-lockdown ang bangko at itigil pansamantala ang operasyon nito sapagkat essential ang trabaho at operasyon nito sakabila ng mga empleyadong tinamaan ng sakit.

Sinusunod lang rin daw ng LGU ang Executive Order na nagmamandong isara ang establisiyementong may empleyadong nag positibo sa sakit sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw para isagawa ang disinfection, bagay na natapos nang gawin.

Dagdag pa ng alkalde, tuloy pa rin ang operasyon nito ngunit tanging ang mga empleyadong hindi nagkaroon ng close contact sa nag positibo at ang mga nakapagtapos na ng mandatory quarantine ang pahihintulutang makapasok.

Sa pinakahuling ulat, lima na sa mga empleyado ang nag positibo sa COVID-19 habang patuloy namang kinukunan ng antigen test ang iba pang staff ng nasabing bangko.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *