Alleged ASG member na sangkot sa Lamitan siege, tiklo sa NAIA

Arestado ng mga tauhan ng Southern Police District ang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group at umano’y kabilang sa mga nasa likod ng Lamitan City sa Basilan at ang pangingidnap ng ilang mga miyembro ng Jehovah’s Witness noong 2002.

Kinilala ng SPD ang suspek na si Omar Bin Harun alyas ‘Ariola’.

Nakatanggap umano ng tip na pabalik ng bansa ang suspek galing ng Malaysiya kaya naharang ito ng mga operatiba.

Napag-alamang gumagamit si alyas Ariola ng Malaysian passport para makalabas-pasok sa bansa.

Pasok din ang suspek sa lsitahan ng Terrorism Screening Center o TSC ng FBI.

Si alyas Ariola ang ika-apat na miyembro ng ASG sa pamumuno ni Radullan Sahiron na na-aresto ng SPD
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.