ALS teacher sa Daraga, Albay, pinarangalan sa 5th Dangal ng Lahi awards sa Baguio City

LEGAZPI CITY – Isang guro sa Alternative Learning System (ALS) sa Daraga South ang pinarangalan bilang Philippines’ Woman of Dedication and Most Innovative Alternative Learning System Teacher of the Year.

Kinilala ang guro na si Elgie Mercadero Radaza na pinarangalan sa ikalimang Dangal ng Lahi Awards sa Country Club, Camp John Hay, Baguio City kamakailan.

Kwento niya, nagkaroon siya ng inspirasyon na maging ALS teacher dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang learners na nawala sa pormal na sistema sa edukasyon dahil sa iba’t ibang mga dahilan.

Aniya, nais niyang makatulong na maibalik ang pangarap na nawala sa kanila.

Labingtantlong taon na sa serbisyo si Radaza bilang ALS Teacher, at maliban sa nabanggit na parangal, tinanghal din siya bilang finalist sa Most Inspiring ALS Teacher sa Albay Recognition of Unconditional and Genuine Action for Nobility (ARUGAN) Awards noong Disyembre ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *