Natagpuan na ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan,
Sa ulat na inilabas kaninang umaga ng Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito kahapon ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island.
Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa naturang isla.
Samantala, nagpapatuloy naman ang malawakang aerial at surface search and rescue (SAR) operations para mahanap ang apat na PCG rescuers na nawala sa kasagsagan ng Bagyong Egay noong July 26.
Maaalalang, nauna nang natagpuang ligtas ng mga tauhan ng PCG ang pitong crew ng isang Motor Tugboat na tinangkang i-rescue ng nawawalang apat na miyembro PCG
Umaasa ang PCG na ligtas din ang apat na napadpad lang sa ibang lugar.
#