Alyssa Valdez, pangungunahan ang Creamline sa volleyball pool sa SEA Games

Anim na Creamline stars sa pangunguna ni Alyssa Valdez at reigning MVP Tots Carlos ang mangunguna sa 17-member women’s national volleyball pool para sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Phnom Penh, Cambodia.

Ibinunyag ng mga source na ang listahan kung saan si Valdez ay nagpapagaling pa rin sa right knee injury na natamo niya noong Disyembre ay bahagi pa rin ng training pool para sa posibleng ikalimang sunod na SEA Games stint kasama ang core ng Cool Smashers.

Si Setter Jia De Guzman na hindi bahagi ng national team sa Hanoi Games noong nakaraang taon, ay bahagi ng call-up kasama ang do-it-all spiker na si Jema Galanza, vastly-improved middle blocker Ced Domingo, at Asean Grand Prix’s reigning Best Libero Kyla Atienza.

Kinatawan ng Creamline ang bansa sa AVC Cup for Women sa Manil, kung saan tumapos ito sa ikaanim,at Asean Grand Prix sa Thailand noong nakaraang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *