Alyssa Valdez, pinangalanang team captain ng PH volleyball team sa SEA Games

Pinangalanang team captain ng Philippine women’s indoor volleyball team si Allyza Valdez sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa May 5 hanggang May 17.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation, makakasama ni Valdez ang kanyang mga teammates sa Creamline na sina Jia Morado-De Guzman, Kyla Atienza, Celine Domingo, Jema Galanza, Tots Carlos, at Michele Gumabao.

Ito ang unang beses na pangungunahan ni Valdez ang PH women’s volleyball team sa kampanya.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa si Valdez mula sa tinamong injury dahilan upang magarahe sa buong Premier Volleyball League All-Filipino Conference.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *