Ama kinasuhan ang sariling anak sa China dahil sa pagtanggi sa pag-aalaga sa kanya matapos ang car accident

Kinasuhan ng isang ama sa China ang sarili niyang anak na babae dahil sa pagtanggi sa pag-aalaga sa kanya matapos ang isang car accident.

Ayon sa ulat , inakusahan ng lalaking Chinese na nagngangalang Zhang ang kanyang anak na babae na tumanggi na huminto sa kanyang pag-aaral sa isang unibersidad upang alagaan siya at ang kanyang kalusugan pagkatapos ng insidente.

Pinadalhan niya ito ng maraming text at humingi ng tulong sa kanya sa pamamagitan ng paulit-ulit na tawag, ngunit wala man lang natanggap na tugon mula rito.

Natuklasan din niya na naka-blocked na ang kanyang numero sa mobile phone na nag-udyok sa kanya na magsampa ng kaso sa isang lcoal court. Inutusan din niya ang kanyang anak na bigyan siya ng suportang pinansyal na nagkakahalaga ng 1,500 yuan o mahigit P12,000 bawat buwan.

Samantala, sinabi naman ng anak na hindi umano siya pinayagang magbakasyon sa unibersidad. Itinuro din niya na mayroon siyang dalawa pang kapatid na lalaki na maaaring gawin ito para sa kanya sa halip na ilagay ang pressure ng pag-aalaga sa kanya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *