Ama na nahihirapan sa paghahanap ng trabaho, idinaan na lamang sa social media ang pag-apply

Idinaan na lamang ni Hamrey Hassan Samburong sa pag-post sa facebook ang kanyang pagkadismaya sa halos dalawang taon na paghahanap ng trabaho.

Agaw pansin ang nakahiga nitong larawan katabi ang kanyang transcript of record at iba pang mga requirements sa pag-a-apply.

Kwento nito sa Brigada News FM, umalis ito sa kanyang trabaho upang alagaan muna ang kanyang ama na may sakit, subalit ng pumanaw ay muli siyang naghanap ng trabaho ngunit umabot na ng ilang taon at naubos ang kunting naipon ay wala pa ring tumatanggap sa kanya.

Siya umano ay taga Bayan ng Quezon, 42 years old, nagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in PEHM noong 2006 at kasalukuyan ay mayroong 3 anak na nag-aaral pa, kaya kailangan nito ng trabaho para masuportahan ang kanyang pamilya.

Nilinaw naman ni Samburong na ginawa niya ito dahil wala na siyang magamit na panggastos sa paghahanap ng trabaho at kasabay ng panawagan sa mga naghahanap ng empleyado na sana ay tanggapin siya kahit helper ng truck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *