Amber Heard iniulat na nag-quit na sa Hollywood at lumipat na sa Spain

Isang taon matapos ang defamation trial ni Amber Heard sa dating asawang si Johnny Depp, iniulat na nag-quit na ang aktres sa Hollywood at lumipat nang permanente sa Madrid, Spain.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, tahimik na lumipat sa Madrid si Amber kasama ang kanyang anak na si Oonagh.

Matatandaang ibinenta ni Amber ang kanyang bahay sa Yucca Valley, California noong 2022 sa halagang $1.1 milyon at mula noon ay ginugol na niya ang karamihan sa kanyang oras sa Spain.

Noong nakaraang linggo lang, pinag-usapan si Amber pagkatapos lumabas sa trailer ng Aquaman and the Lost Kingdom sa kabila ng petisyon ng mga fans na alisin siya sa sequel.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *