Amber Heard , nagdesisyong ayusin ang defamation case kay Johnny Depp

Inihayag ni Amber Heard ang kanyang desisyon na ayusin ang defamation case na isinampa laban sa kaniya ng dating asawa na si   Johnny Depp.

Sa pahayag na nai-post sa kanyang Instagram account, sinabi ni Heard na pagkatapos ng napakaraming deliberasyon ay gumawa aniya siya ng napakahirap na desisyon na ayusin ang kaso na isinampa laban sa kaniya.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang post , sinabi niyang ginawa niya ang desisyong ito dahil nawalan na umano siya ng tiwala sa legal system ng Amerika.

Matatandaang Sa hatol ng korte sa defamation case na isinampa ni Depp laban kay Heard, napatunayang guilty si Heard sa paninira laban sa aktor sa tatlong magkakahiwalay na insidente.

Dahil dito, inatasan si Heard na magbayad ng $10 million bilang compensaktory damages at $5 million na punitive damages kay Depp.

Inatasan naman si Depp na magbayad ng $2 million na compesatory damage kay Heard.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *