Amerika, dedepensahan ang Pilipinas laban sa mga nangbu-bully sa West Philippine Sea

Siniguro ni US Secretary of State Antony Blinken ang commitment nito para protektahan ang Pilipinas sa gitna ng tensyon sa pagitan ng mga claimants sa West Philippine Sea.

Sa isang virtual joint press conference kasama sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Blinken, sinabi ng US official na ang ano mang hakbang para atakihin ang mga tropa ng Pilipinas at mga barko nito sa South China Sea ay otomatikong hudyat para ma-invoke ang umiiral na Mutual Defense Treaty.

Muli ring iginit ni Blinken na suportado nila ang Pilipinas sa pagpo-protekta ng soberanya nito sa mga piangaagawang teritoryo.

Aniya, nakipag-partner na sila sa mga Filipino fisherman at mga scientific researchers para ma-preserve at maprotektahan ang mga maritime resources ng Pilipinas.

Kinundena rin nito ang ano mang mga iligal na aktibidad sa ating exclusive economic zone na siyang nagreresulta sa pagkawasak ng resources ng bansa.

Tinawag din ni Blinken na ‘oldest’ ang ‘irreplaceable friend’ ang Pilipinas na itinuturing nilang pinaka-unang ally ng Amerika sa Indo-Pacific region.

Samantala, hinggil naman sa isyu ng tensyon sa pagitan ng Washington at sa Beijing – sinabi ng dalawang top diplomats na mananatili ang kanilang mga hakbang para ma-deescalate ang sitwasyon sa Taiwan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.