Amerika, sinuportahan ang Pilipinas matapos ang pambu-bully ng Chinese vessels sa WPS

Kinundena ng American government ang napaulat na umano’y pagkumpul-kumpol ng ilang mga Chinese vessels malapit sa Iroquois Reff at Sabina Shoal sa Spratly Islands.

Kasunod ito ng ginawang ulatt ng Department of National Defense ng Pilipinas na pag-swarm ng mga Chinese vessels at ilang militia ships nito sa naturang teritoryo ng ating bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay US State Department spokesperson Ned Price, sinusuportahan nila ang Pilipinas pagdating sa claims nito sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Aniya, tinututulan ng Amerika ang ginagawang panggugulo ng China sa pangkabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda, at ang tuloy na pagkontra nila sa una nang rulling ng UNCLOS sa South China Sea.

Kinundena rin nila ang iniulat na ‘unsafe encounter’ sa pagitan ng Chinese Coast Guard at ng mga tropa ng Philippine Navy kung saan ay sapilitan di umanong kinuha ng China ang kanilang mga rocket debris.

Matatandaaang una na ring nagpadala ng note verbal ang Pilipinas sa China para pagpaliwanagin sa insidente.

Naghain na rin ang Gobyerno ng Pilipinas ng diplomatic protest para kontrahin ang naturang forced-retrieval ng China.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *