Local News

Amnestiya sa pagbabayad ng estate tax hanggang June 14 na lang

CAMARINES NORTE- Umapela ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa heirs o tagapagmana ng qualified estates na huwag nang hintayin ang deadline ng estate tax amnesty na magtatapos sa June 14 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Revenue District Officer Felix Roy , malaking kagaanan ang pag- avail sa estate tax amnesty pdahil malaking kabawasan ito sa babayaran.

Sakop  ng amnesty ang estate of decedents na namatay bago ang December 31, 2017 na ang estate taxes ay hindi pa nababayaran o naipon hanggang sa nabanggit na petsa.

“Once na malagpasan po yng deadline eh malaki na po ang babayaran nito balik tayo sa normal na computation,” ani Roy

“Palagi naming sinasabi ito na maaaring makakalimutan niyo malayo pa pero i- avail niyo na po itong estate tax amnesty na programa ng BIR.”

Suportado naman ng ilang kongresista at senador ang panukalang muling palawigin ang deadline ng amnestiya sa pagbabayad ng estate tax.

Iginiit ng mga ito na dapat palawigin ang amnesty upang mas marami pa ang mahikayat na isailalim sa estate proceedings ang kanilang real estate properties na sa loob ng matagal na panahon ay hindi pa naililipat ang titulo sa pangalan ng mga tagapagmana.

Kung maalala dapat ay nagpaso na noong June 2021 ang batas ukol sa  estate tax amnesty subalit nagpasya ang kongreso na palawigin ito ng dalawa pang  taon dahil sa COVID- 19 pandemic.

BNFM Daet

Recent Posts

6 na mangingisda na-rescue, matapos lumubog ang kanilang bangka

Kinilala ang mga na-rescue na sina Arnel Sevilla, Jondle Sevilla, Joan Infante, Ricky Sevilla, Elmer…

2 hours ago

BIDAktas naging madinaeag-on

Naging madinaeag-on ro ginpatigayun nga Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) Program o BIDAktas (A Walk…

5 hours ago

Pinasahe nga bueak, nadiskubre sa Madalag, Aklan

Sangka pinasahe nga higanteng bueak nga ginatawag nga Rafflesia lobata ro nakita it team it…

10 hours ago

SB Kalibo, gin-engganyo ro MSWDO ag OSCA nga pahauman eon ro RA 11982

Ginpaabot makarun it Sangguniang Bayan it Kalibo sa Municipal Social Welfare and Development Office ag…

10 hours ago

Ex-army, dakop sa drug bust sa Iloilo

Dakop ro dating miyembro it Philippine Army sa drug buy-bust operation it kapulisan sa Leganes,…

10 hours ago

Gutok nga kulungan sa Western Visayas, padayun nga ginakabaeak-an

Sangka mabahoe nga ginakabaeak-an ro gutok nga mga kulungan nga ginapamunuan it Bureau of Jail…

10 hours ago