Arestado ang isang lalaki matapos tangkaing saksakin ang kanyang sariling ama sa Barangay 11, Nasugbu, Batangas.
Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang suspek na si John Reymark Planto y Reyes, 28-anyos at residente ng nasabing lugar.
Nakilala ang biktima na si Yolando Planto y Alegre, 60-anyos, barangay kagawad at kasalukuyang naninirahan sa naturang barangay.
Batay sa imbestigasyon, pasado alas-6:30 ng gabi nitong July 25, 2023, nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng ama at anak.
Doon na raw tinangkang saksaking ng anak ang kanyang ama gamit ang isang kutsilyo ngunit nakaiwas ang kanyang ama.
Kaugnay nito, sinira rin daw ng suspek ang mga damit at bag ng kanyang ama gamit ang isang gunting.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Crime of Attempted Parricide at Malicious Mischief.