Anak ni LeBron na si Bronny James , inaasahang mapapabilang sa top 10 pick sa 2024 NBA mock draft

Inaasahang mapapabilang ang anak ni LeBron na si Bronny James sa top 10 pick sa 2024 NBA mock draft

Ang 2024 NBA Draft ay 16 na buwan pa, ngunit inihayag ng ESPN ang mock draft nito na nagtatampok mga ng pamilyar na pangalan sa top 10.

Si Bronny James ay na-project ng ESPN bilang No. 10 overall pick ng Orlando Magic sa 2024.

Ang 6-foot-3, 190-pound na si James ay highest-ranked uncommitted player sa 2023 class. Ayon sa 247Sports composite , siya ay four-star prospect at niranggo bilang No. 33 overall at No. 9 combo guard sa laro.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *