Anak ni Pops Fernandez, makakauwi na matapos nitong makaranas ng health scare

Makakauwi na ang anak nina Pops Fernandez at Martin Nievara na si Ram matapos itoong ma-admit sa ospital sa loob ng isang linggo dahil sa health scare.

Sa Instagram post ni Fernandez ay sinabi niya: “Going home. God is good”.

Inihayag naman ng ex-husband ni Fernandez sa kanyang komento: “So happy he is back. The ram we know and love is back”.

Hindi naman nabanggit nina Pops at Martin ang iba pang mga detalye kaugnay sa kondisyon ni Ram, ngunit tila ay lumalabas na dinala ang kanilang anak sa emergency room at sa coronary care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Makikita rin sa post ng singer na pinalamatan niya ang mga tauhan ng mga nasabing unit ng pagamutan.

Unang beses na inihayag ni Fernandez ang tungkol sa pagpapaospital ng kanyang anak sa Instagram noong Biyernes kung saan ay sinabi niya na may bagay na hindi inaasahang nangyari kay Ram noong nakaraang linggo kung saan ay naiyak sila at napadasal ng marami. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *