Ancajas, babyahe patungong Las Vegas para magsanay

Nakatakda nang bumyahe si IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas papuntang Las Vegas sa Miyerkules para sa pagsisimula ng huling bahagi ng kaniyang pagsasanay para sa ika-10 nitong title defense.

Inaasahan na makakabalik si Ancajas sa ring sa Oktubre o Nobyembre para sa balak nito na maisaayos ang unification bout laban sa WBA super titilist na si Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Kasalukuyang nagsasanay sa Bukidnon si Ancajas, at inaasahan na babyahe ito patungong Maynila sa Martes para sa kaniyang flight sa susunod na araw.

Plano ng kampo ni Ancajas na magkaroon ng title unification kasama ang WBO champion na si Kazuto Ioka, ngunit posibleng mangyari pa ito sa 2022.

Kamakailan ay matagumpay na nadipensahan ng Japanese star ang kaniyang titolo laban kay Francisco Rodriguez Jr. ng Mexico, habang nagpahayag na rin siya ng intensyon na makaharap si Ancajas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *