Ancajas, kumpyansa na hindi mauuwi sa ‘hometown decision’ ang laban nila ni Ioka

Kumpyansa si regining IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas na magiging patas ang judges sa magiging laban nila ni WBO world super flyweight champion Kazuto Ioka sa December 31.

Gaganapin ang kanilang laban sa teritoryo ng kaniyang kalaban sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Sinabi ni Ancajas na tiwala siya na hindi magkakaroon ng hometown decision lalo na at ang IBF naman ang pipili sa mga opisyal.

Inaasahan naman na lilipad si Ancajas, kasama ang trainer at manager nito na si Joven Jimenez, patungong Japan ngayong buwan para sa inaapbangang unification bout nito kasama si Ioka.

Tiniyak naman ni Ancajas, na kasalukuyan nang may siyam na matagumpay na title defenses, na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya, madaya man sila o hindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *