Ipinakita ng Philippine Coast ang nakuhang anchor mula sa floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Paglilinaw ng PCG, kinuha nila ang angkla pero China ang nag-alis ng floating barriers.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine SEa Commodore Jay Tarriela, maaaring gamiting ebidensya ang angkla laban sa China sa paglabag nila sa international law.
Samantala, itu-turn over ng PCG ang angkla sa Department of Foreign Affairs at National Task Force for the West Philippine Sea.