Ang at Gretchen, nakitang magkasama sa sabungan

“Relationship goals”

Yan ang caption ng isang Facebook page na nag-post sa video nina Gretchen Barretto at Atong Ang na nakitang magakasama sa sabungan.

Sa nasabing video ay makikita na nagsilbi si Gretchen bilang handler ng panlaban na “Lady Tiger”.

Makikita rin na tinuruan ni Ang si Gretchen na magbitaw ng panabong.

Mababasa naman sa mismong video na ginanap noong July 30 ang nasabing event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim).

Inihayag rin na mula ang video sa WPC 2029 kung saan ay pwedeng mapanuod ng live ang sabong.

Matatandaan na itinanggi ni Ang noong Oktubre, 2019 na meron silang relasyon ni Gretchen nang magkaroon ng alitan ang magkakapatid na Barretto.

Ipinaliwanag din ng dalawa noon sa kanilang magkahiwalay na pahayag na sila ay magkasyosyo lamang sa operasyon ng sabungan at casino.

Magugunita na bumisita noon sina Gretchen at Ang sa Janiuay, Iloilo, kung saan ay nakapulong nila ang ilang sabong operators na nasita dahil sa paglabag sa health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *