Angeles, Calida, Rodriguez – um-exit na sa Gabinete

Nag-resign na bilang Press Secretary ang dating vlogger na si Trixie Cruz-Angeles.

Sa isang pahayag, sinabi niya na ito ay dahil sa ‘health reasons’.

‘I resigned this morning effective end of business hours today. It was a pleasure working with you.’ wika ni Angeles.

Hindi naman na idinetalye ni Angeles ang kanyang karamdaman pero hindi naman daw ito malala.

Epektibo ang kanyang resignation ngayong araw.

‘Can’t say yet, madame. Nothing serious naman. But it needs to be addressed’ ani Angeles sa isang MalacaƱang reporter nang matanong hinggil sa kanyang sakit.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, wala pang nahahanap na kapalit na Press Secretary ang Palasyo.

‘Wala pa pong bagong Press Secretary’ wika ni Guevarra. ‘We are still in the process of helping the Office address the resignation.’ dagdag pa nito.

Si Angeles ang ikalawang top Palace official na nagbitiw sa puwesto kasunod ni Vic Rodriguez na nag-resign bilang Executive Secretary.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi totoong mayroong Administrative Order No. 1 kung saan ay dine-designate si Rodriguez bilang presidential chief-of-staff.

Hindi na rin umano napag-usapan pa ng Gabinete ang posibleng reassignment ni Rodriguez.

Ibinunyag din ni Bersamin na nag-resign na rin sa puwesto si Commission on Audit chairperson Jose Calida.

Sina Angeles at Calida ay hindi na kabilang sa mga reappointed officials na nanumpa kay Pangulong Bonbong Marcos kaninang umaga sa Palasyo.

Tiniyak naman ni Bersamin na mulinog itatalaga si DICT Secretary John Ivan Uy na kabilang sa 15 appointees na na-bypass ng Commisison on Appointments.

Matatandaang ilang linggo nang usap-usapan ang ‘di umano’y ‘infighting’ sa Palasyo na nagresulta sa pagre-resign ni Rodriguez, at sinundan ni Angeles.
#

RELATED STORIES:

Oath-taking ng mga reappointed Cabinet officials

15 appointed officials ni Pangulong Marcos binypass ng Commission on Appointment

ES Rodriguez, nag-resign na

Marcos, mayroon nang kinokonsiderang kapalit ni Rodriguez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *