Angeline Quinto, ginawaran bilang Outstanding Manilan for Entertainment

Ginawaran ang singer-actress na si Angeline Quinto bilang Outstanding Manilan for Entertainment kasabay ng pagdiriwang ng ika-451 na anibersaryo ng Lungsod ng Maynila.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan niya si Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ng naturang lungsod sa natanggap na pagkilala.

Aniya, nagpapasalamat umano siya dahil kinikilala ang kanyang kontribusyon at talento sa larangan ng Philippine entertainment.

Samantala, muli namang nagbalik si Quinto sa trabaho pagkatapos manganak kung saan magkakaroon din siya ng concert sa Amerika at Canada. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *