Anim kabilang ang ilang bata at senior citizen, patay sa sunog sa Quiapo sa Maynila

Patay ang anim na residente kabilang ang ilang bata at senior citizen dahil sa nangyaring sunog sa 30 na bahay sa Barangay 387, Quiapo sa Maynila.

Kasama sa mga nasawi ay ang limang miyembro ng pamilya, kabilang ang kambal na edad 12, mag-asawa, isang limang taong gulang na bata, at isang senior citizen.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 2:34 ng madaling araw at mabilis na umabot sa ikatlong alarma 2:50 rin ng umaga.

Hindi naman bababa sa 10 fire trucks at tatlong ambulansya ang rumesponde sa lugar, at nadeklarang under control ang sunog noong alas-4 ng umaga.

Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *