Anim na akusado sa nawawalang mga sabungero, natunton sa Paranaque

Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda ang pag-aresto sa anim na mga akusado sa mga nawawalang mga sabungero.

Inaresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Julie Patidogan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla.

Nahanap ng PNP-CIDG ang kinaroroonan ng mga suspek sa pamamagitan ng isang impormante at inaresto kasunod ng dalawang buwang surveillance operation.

Ang mga reklamong kidnapping at serious illegal detention ay inihain noong ika-18 ng Marso 2022 laban sa anim na suspek sa harap ng Department of Justice (DOJ).

Nagsampa rin ng hiwalay na kaso ang CIDG para sa kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng online sabong master agent na si Ricardo Lascho noong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *