NAGA CITY – Arestado ang anim na indibidwal sa isang drugden matapos itong maaktuhan na gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Naga City ng pinag-isang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Naga City, PDEA Camarines Sur at Naga City Police Office 5.
Kinilala ang dalawa sa mga suspek na sina Carlos Escudillo alyas “Dado”, caretaker ng drugden at si Sonny Panuca na empleyaado ng nasabing lugar. Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga sa Public Information Officer ng PDEA, Camarines Sur, mga drugden visitor ang iba pang apat na persona.
Nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 ang mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga otoridad.
Samantala, nagbabala ulit ang PDEA sa publiko na huwag ng subukan o tigilan na ang paggagamit ng mga ipinagbabawal na gamot dahil isa ito sa nakikita nilang rason o sinisimulan ng mga rape at murder cases.