Anim na kalalakihan arestado dahil sa cara y cruz sa Alabat, Quezon

Nasa anim na kalalakihan ang inaresto ng Alabat Pulis matapos maaktuhan na nagka-cara y cruz sa bayan ng Alabat, Quezon.

Ayon sa police report, dakong alas 9:55 ng gabi nang tumawag ang kanilang impormante patungkol sa iligal na pagsusugal sa bahagi ng Sitio Danlagan, Brgy. Villa Jesus Este ng nasabing bayan.

Huli sa akto na naglalaro ng cara y cruz sina Arnel Andaluz, 33, Rico Banico, 24, Allan Banico, 37, Carmelito Barrantes, 28, Carlo Barrantes, 23 at Romel Tañafranca, 23.

Nakumpiska sa kanila ang Php 1,386 na bet money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alabat Municipal Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *