Anim na karagdagang Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID-19 ayon sa DFA

Naiulat ng Department of Foreign Affairs na naitala nito ang anim na bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga Pilipino sa abroad na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa 20,916.

Base sa huling datos ng DFA ay pumalo na ang kabuoang bilang ng overseas Filipinos na gumaling mula sa sakit na dulot ng virus sa 12,381 kabilang na ang tatlong bagong recoveries.

Sa ngayon ay meron pang 7,292 na pasyente ang patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Naitala naman sa Middle East/Africa ang pinakamataas na bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay nasa 11,861, kabilang na ang 6,504 recoveries at 836 fatalities.

Sinundan naman ito ng Asia Pacific Region na may 4,515 na kaso kabilang na ang 2,766 recoveries at 33 deaths.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *