Humingi ng paumahin sa pamilya ni Jemboy Baltazar ang anim na pulis na isinasangkot sa pagpatay sa binatilyo dito sa Navotas City.
Sa panayam ng Brigada News sa nanay ni Jemboy na si Rodaliza Baltazar, pinuntahan nila kahapon ang mga pulis sa Navotas City Police Station para matiyak na nakakulong pa rin ang mga ito matapos na hindi dumalo sa preliminary investigation kahapon.

Sabi ni Ginang Rodaliza bagamat humingi ng tawad ang mga pulis, hindi naman daw inamin ng mga ito ang kanilang pagkakamali sa nangyaring police operation noong August 2.
Masakit pa rin para sa pamilya ang nangyari kay Jemboy kaya naman patuloy nilang itinutulak na mai upgrade ang kaso mula sa reckless imprudence resulting to homicide sa murder case.
Ayaw na raw nilang mapalabas ang mga ito sa kulungan dahil sa takot sa kanilang seguridad.
Sabi naman ng tatay ni Jemboy na si Jessie, hindi sila titigil hanggat hindi nila nakakamit ang hustisya sa kanyanga anak para rin daw matahimik ang kanyang anak.