Animal impounding facility, itatayo sa T’Boli

KORONADAL CITY- MAGPAPATAYO ang local government unit o LGU T’Boli ng animal impounding facility.
Kamakailan lamang, bumisita ang mga kawani ng LGU T’Boli sa dog impounding facility ng bayan ng Surallah upang makakuha ng kaalaman sa proseso at pagpapatakbo nito.

Napag-alaman na may inilaang pondo na ang LGU T’Boli mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund sa taong 2023 para sa Phase 1 ng itatayong pasilidad.

Layon nito na masugpo ang pagdami ng mga stray dogs na itinuturong dahilan ng halos 40% ng road accidents sa lugar at kaso ng dog bites.

Inaayos na rin ng LGU ang pagpasa ng municipal anti-rabies ordinance at pag-amend sa local ordinance kaugnay sa mga stray animals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *