Annual Budget ng LGU Basud para sa taong 2023 na nagkakahalaga P213, 552, 529.00 aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sanggunaing Bayan ang Annual Budget ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P213, 552, 529.00.

Inaprobahan ito noong Lunes, November 21 sa regular na sesyon ng konseho.

Ang naaprobahang Local Expenditure Program ay mas mababa ng 13. 85 percent kumpara ngayong 2022 dahil sa pagbaba ng National Tax Allocation bunsod na rin ng epekto ng COVID- 19 pandemic at implementasyon ng Mandanas ruling.

Pinakamalaking porsiento nito ay mapupunta sa General Public Services na mayroong 109, 529, 116.00 o 50. 35 percent ng kabuuang General  Fund Budget.

Nakapaloob sa General Public Services ang Personnel Services (PS) na may allocation na P47, 379, 505.00, Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na may 58, 349, 611.00 at Property Plan and Equipment  (PPE) na may budget allocation na P1, 755.000.00

Ang mga opisina na may pinakamataas na total allocations sa ilalim ng General Public Services ay ang Municipal Mayor’s Office na may P54, 032, 158 pero mas mababa ng 8. 55 percent kumpara nitong Fiscal Year 2022, gayundin ang Sangguniang Bayan na may allocation na nagkakalahaga ng P23, 498, 519.00 na may pagbaba naman ng nasa 10. 48  percent.

Ang iba pang components ng annual budget ay ang Economic Services na may 48, 513, 029.00 o 22. 72 percent.

Habang ang Social Services ay mayroong 42,  252, 113.00 o 19. 79 percent at ang other services ay mayroong 15, 258, 271 o 7. 14 percent.

Una nang inihayag ni Mayor Adrian Davoco sa kaniyang budget message ng isumite ang proposed Local Expenditures Program sa SB noong Oktubre na ang pagbaba ng annual budget para sa susunod na taon ay nangangahulugan ng paghihigpit sa pagbaba- budget sa kabila ng malaking gastusin at responsibilidad na nakaatang sa LGU dahil sa devolution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *