Anti-colorum campaign ng LTFRB region 3, pinalalakas

Patuloy na pinalalakas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 3 ang kanilang kampanya kontra sa iligal na operasyon ng mga kolorum na sasakyan.

Sa datos ng nasabing ahensya, umabot sa dalawampu’t lima ang kabuuang bilang ng mga unit na na-apprehend at naisyuhan ng Inspection Report Summon o IRS sa buong buwan ng Hulyo.

Samantala, labing syam na unit naman ang naitalang mayroong ibang violations kagaya ng overcharging, cutting trips, improper uniform, out of line, no carried CPC at illegal terminal.

Kasabay nito, nagsagawa din ng Taxi Sealing and Resealing Operations ang mga transport inspectors ng ahensya kung saan nagtala ito ng kabuuang 21 sealed taxi at 141 resealed taxi.

Samantala, sinabi ni LTFRB Region 3 Director Nasrudin Talipasan, asahan na magpapatuloy ang mga ganitong uri ng operasyon hangga’t mayroong mga kolorum na sasakyan sa daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *