Anti-COVID-19 pill ng Pfizer, sumalang na sa clinical trial sa Amerika

Sumalang na sa phase one clinical trial sa Amerika ang gamot kontra COVID-19 na likha ng American pharmaceutical company na Pfizer.

Ito ay matapos na bumuo o mag develop ang Pfizer ng isang kapsula o anti-COVID-19 pill na may kakayahan na mapigilan ang pagdami ng virus na nasa katawan ng isang indibidwal.

Sa pamamagitan ng oral anti-viral drug na PF-07 32 1332, sinabi ng pfizer na isa itong protease inhibitors na nangangahuluhan na dumidikit ito sa viral enzymes ng COVID-19, at kayang pigilan ang pagpaparami ng virus sa katawan ng isang tao.

Samantala, sa oras na ma-aprubahan ang nasabing gamot ay maari na itong ireseta sa mga indibidwal sa oras na makitaan pa lamang ang mga ito ng sintomas ng COVID-19. |Clay Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *