Anti-Illegal Gambling Operation, isinagawa sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte; 5-katao, arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang 5-katao sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Camarines Norte matapos magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang kapulisan

Matagumpay na naaresto ng kapulisan ang mga suspek      nito lamang ika-15 ng Mayo, 2023.

Sa bayan ng Vinzons, dakong alas 10:30 ng umaga ng maaresto ng mga tauhan ng Vinzons MPS si alias ODE, 72 (setenta y dos años) at residente ng nasabing bayan. Habang nagsasagawa umano ang mga kapulisan ng operasyon laban sa hindi otorisadong ahente ng Small Town Lottery (STL) o mas kilala sa tawag na bookies. Napag-alaman na ang nasabing personahe ay wala sa opisyal na listahan ng STL ng Sales Supervisor and Sales Representatives sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Nakumpiska sa nabanggit na personahe ang bet money na nagkakahalaga ng Php540.00 at collection report forms.

Sa bayan ng Mercedes, 3 katao naman ang natimbog ng kapulisan ng Mercedes MPS at CN 1st PMFC dakong 9:50 ng gabi matapos maaktuhan ang mga ito na naglalaro ng “tong-its” sa Purok 2, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay kinilang sina alias JOY, 64  taong gulang, alias BEN, 38 anyos at si alias JUN, 54 anyos, may asawa, pawang mga residente ng nabanggit na lugar. Nakumpisak sa mga ito ang isang (1) set ng baraha at Php 389.00 na bet money.

Sa bayan naman ng Sta. Elena, bandang alas 10:10 naman ng gabi ng maaresto ng mga operatiba ng Sta Elena MPS ang isang dalaga matapos makatanggap ng report ang mga ito ukol sa nagaganap na iligal na sugal na mas kilala sa tawag na color game. 

Ang suspek ay kinillang si alias BEA, 18 anyos, dalaga, at residente ng Paracale, Camarines Norte. Inaresto si BEA matapos na sya ay maaktuhan habang nagsasagawa at nag-ooperate ng iligal na sugal. Nakumpiska rito ang tatlong (3) piraso ng wooden colored dice, Isang (1) piraso ng wooden-colored betting board, Isang (1) piraso ng wooden slide na may basin board at Bet money na PHP 232.00.

Ang mga nabanggit na suspek at nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng mga umarestong himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *