Anti-illegal logging task force muling binuo ng DENR sa lalawigan ng Catanduanes

Catanduanes—Muling binuhay ng DENR ang Anti-Illegal Logging Task Force sa probinsya ng Catanduanes sa pamumuno ni PENRO Officer Imelda Baltazar.

Layunin ng organisasyon na mapahinto at mapigilan ang anumang ilegal na gawaing makakasira sa kalikasan partikular ang iligal na pamumutol ng mga punong kahoy sa mga kagubatang bahagi ng islang lalawigan.

Ang naturang task force ay binuo ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang ahensiya at mga organisasyon gaya ng DILG, PNP, Philippine Army, PIA, Office of the Provincial Prosecutor (OPP) at Philippine Coast Guard, (PCG).

Bilang kasunduan, lumagda ang lahat ng miyembro ng task force sa pledge of commitment and support upang mas mapag tibay pa ng grupo ang kanilang pwersa, kontra sa mga aktibidad na lubos na nakakapaminsala sa inang kalikasan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *