Anti-Terrorism Council, tinukoy si Dr. Naty Castro bilang terorista

Inanunsyo ng Anti-Terrorism Council (ATC) na batay sa kanilang resolusyon, tinukoy nila ang community physician na si Dr. Natividad “Naty” Castro bilang “terrorist individual”

Ayon sa ATC, na batay sa mga beripikadong impormasyon, sinumpaang salaysay, at iba pang mga ebidensya na nakalap ng mga otoridad at security agencies, kumpirmado umanong lumabag si Castro sa Sections 6, 10, at 12 ng Anti-Terrorism Act.

Nakasaad pa dito, na inaprubahan nila ang designation kay Castro sa isang Resolution No. 35 noong December 7, 2022.

Si Castro na isang physician at longtime advocate para sa Lumad at poor communities sa Mindanao, ay naaresto noong February 2022 dahil sa kidnapping at serious illegal detention charges, pero ibasura naman ng korte ang mga kaso isang  buwan matapos itong makalaya.

Mababatid na inakusahan ng ATC si Castro na pagiging involved sa umano’y layunin ng Communist Party of the Philippines na agawin ang political power.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *