Anti-virus software mogul John McAfee, natagpuang patay sa loob ng selda sa Spain

Natagpuang patay sa kanyang selda sa Barcelona ang anti-virus software entrepreneur na si John MaAfee .

Ito ay ilang oras lang ang nakalipad matapos paboran ng Spanish court ang pag-extradite sa kanya papuntang America para harapin naman ang tax evasion charges laban sa kanya.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, nagpakamatay si McAfee dahil walang indikasyon ng karahasan.

Matatandaan na inaresto si McAfee sa Spain noong October 2020 dahil din sa kasong tax evasion.

Napag-alamang bigo si McAfee na magbayad ng tamang buwis sa kabila ng pagkita nito ng milyon-milyon mula sa consultation work, speaking engagements, crypto-currencies at maging ang pagbebenta sa rights sa kanyang istorya ng buhay.

Kasama din sa mga kasong kinakaharap ni McAfee ang pagtatago nito ng assets gaya ng yate at real estate property na nakapangalan sa ibang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *