Antigen testing ng Naga sa Border Control Point, ititigil muna dahil sa gastos

NAGA CITY- Ititigil na muna ng lokal na pamahalaan ng Naga ang antigen testing sa Del Gallego Camarines Sur Border Control Point dahil sa gastos.

Ito ang kinumpirma ng Health Emergency Response Task Force o HERTF. Kaugnay nito sinabi ni City Events Protocol and Public Information (CEPPIO) Chief Allen Reondanga na hinihingi pa rin ang negative RT-PCR test result sa mga papasok, ang mga wala nito ay otomatikong sasailalim sa 14-days mandatory quarantine.

Subalit ang mga nais mapaikli ang quarantine period sa 7-araw dapat na magpa antigen test sa City Health Office sa halagang P1,000. Kung negatibo 7-araw lamang ang isolation period.

Samantala, ilalabas din ng lungsod ang bagong Entry Protocols para sa mga bakunado nangmula sa labas ng Bicol region partikular na sa kanilang quarantine period base na rin sa polisiya ng National Inter Agency Task Force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *