Tinalakay ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang issue sa South China Sea at napagkasunduan ang pagsusulong ng multilateral approach sa pamamagitan ng ASEAN.

Sa joint statement ng dalawang lider sa Malacanang kahapon, sinabi ni Ibrahim na pareho silang nababahala sa masalimuot na issue sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Isa ang Malaysia sa mga naghahabol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sinabi ni Ibrahim na kailangang magkaroon ng nagkakaisang posisyon ang mga bansang claimant sa mga teroritoryo sa South China Sea upang magkaroon ng komprehensibong aksiyon at magkaroon ng maayos na resolusyon sa problema.//CA