Apat arestado ng NBI-Olongapo sa entrapment ops, 15 kababaihan nasagip

Nasagip ng National Bureau of Investigation Olongapo at SBMA-Law Enforcement Department-Intel Group ang 15 kababaihan kabilang na ang 6 na menor de edad na mula sa iba’t-ibang lugar at naaresto naman ang apat na suspek.

Ito ay matapos ang isinagawang simultaneous “Entrapment Ops Twin Rose” ng NBI-Olongapo may kaugnayan sa Human Trafficking sa dalawang establishment Sa Subic Bay Freeport Zone kahapon, August 4 pasado ala-una ng hapon.

Ayon kay NBI Chief Orlando Navallo, ang apat na mga suspek ay dalawang babae at dalawang lalake na sadyang hindi muna pinangalanan dahil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at isa dito ay menor de edad rin.

Samantala, ang mga suspek ay sasampahan ng kasong Anti-Trafficking in Person Act of 2003.

Nakapanayam naman ng BNFM ang isa sa mga suspek at itinanggi nitong may kinalaman siya sa pangyayari.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo for Illustration Purposes Only

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *