CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang MDRRMO-Capalonga, Camarines Norte sa mga motorista lalo sa sa mga nagmamaneho ng lasing.
Maging maingat umanong driver at maging responsable kapag nagmamaneho, mas mabuting huwag ng mag maneho kung kayo ay naka inom.
Ito ay kasunod ng mga naganap na aksidente sa nasabing bayan kung saan nakapagtala ng apat na vehicular accident ang nasabing tanggapan sa loob lamang ng isang linggo.
Noong ika-8 ng Agosto, naitala ang isa sa aksidente sa Brgy. Oldcamp kung saan nagtamo ang pasyente ng Multiple Abrassion and possible broken arm. Noong ika-5 ng Agosto naman naaksidente ang nakainom na lalaki sa Brgy. Camagsaan kung saan nagtamo ang pasyente ng Severe head bleeding o Possible head injury.
Samantala, noong ika-1 ng agosto naman ay naaksidente din ang isang lalaki sa Brgy. Catabaguangan, Capalonga kung saan nagtamo ng Multiple Abrassion sa katawan ang pasyente.
Agad din namang nalapatan ng paunang lunas ang mga nabanggit na naaksidente at agad ding dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
