Apat na Palaweño na umano’y biktima ng illegal recruitment sa Malaysia, na-rescue

Nailigtas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office- Balabac ang apat na mga Palaweño na biktima rin umano ng illegal recruitment.

Kasamahan sila ng mga namatay na dalawang kalalakihan na taga- bayan ng Roxas, Palawan matapos na uminda ng pananakit ng tiyan dulot ng “food poisoning”.

Nitong Martes, March 14 ay na-rescue sila ng MDRRMO mula sa Bangi sa bansang Malaysia na nagtrabaho umano bilang planter sa isang Palm Oil Company.

Samantala, malungkot na ibinalita ng awtoridad na ang dalawa sa apat na na-rescue ay nakakaranas na umano ngayon ng karamdaman habang nasa Mangsee, Balabac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *