Apat na plantasyon ng marijuana, muling nadiskubre sa Tinglayan

Muling nakadiskubre ang Tinglayan Municipal Police Station katuwang ang PIU/PDEU, 2ND KPMFC at PDEA Kalinga ng apat na plantasyon ng marijuana sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, ang apat na plantasyon ay mayroong 11,900 fully grown marijuana ang sinira.

Kaugnay nito, ang mga sinirang tanim na marijuana ay nagkakahalaga ng  P2,380,000.00 kung saan nasa 1,700 square meter ang lawak nito.

Sinira at sinunog mismo ng mga law enforcement agencies ang mga nadiskubreng marijuana sa mismong plantasyon ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *